Tuesday, October 22, 2013

May Handaan Doon! Handa Na Ba Kayo? TARA! (August 22, 2013 Reflection)

Matthew 22: 1-14


Tayong mga Pilipinong Kristiyano ay binansagang nagdiriwang lamang ng Misa sa loob ng Simbahan tuwing “KLB”-Kasal, Libing, Binyag. Tuwing naririnig ko ito ay para bang gusto kong mainis pero hindi ko maiiwasang sumang-ayon. IT’S HURT, YA KNOW?
Tumungo tayo sa kasaysayan ng Kasal. Ang kasal kahit noong panahon ni Kristo ay itinuturing nang banal, iba lang ang praktis. Ang lalaki at babae ay pipirma ng “marriage contract”, iyon ay seal na kinasal na sila. Ngunit, ang babae ay kailangan munang bumalik sa kanyang mga magulang at manirahan habang ang lalaki ay babalik rin sa kanyang lugar at magtatayo ng sariling bahay kung saan niya itataguyod ang kanyang tahanan. Kukunin muli ng lalaki ang babae at dadalhin sa kanyang “palasyo” at doon na mamumunga ang kanilang pagmamahalan.
Sa panahon ngayon ay mas binibigyang kahulugan ang reception kaysa sa kasalan. Kung fiesta naman ay mas kapansin-pansin ang litson kaysa sa mga tao. Aba e sa probinsya nga namin ay kahit hindi mo kakilala ang bagong kasal ay hindi ka mapaghahalatang nakikikain lang. Nagsipunta sila sa inyong tahanan dahil may “handaan”. HANDAAN, mga kapatid, HANDAAN! Maging dito sa Aspirancy ay mas napapansin ang ice cream kaysa sa nag-celebrate ng birthday.
Ang Ebanghelyo sa araw na ito ay tungkol sa Piging sa Kasalan. Ang kasalan ay may piging, feast, HANDAAN! Ang salitang “handâ” na tinutukoy ko diyan ay yung may mga pagkain. Mayroon pang isang salita sa Filipino na “handa” na halos kasintunog na rin niya pero ang ibig sabihin ay “ready.” Ito po ang LEAST na natatandaan natin. Ang mag-handa. Bakit nga ba? Ay alam ko na! Kasi nga, minsan nakakatamad. Hindi po ba? Bawat araw sa ating buhay ay isang paghahanda-getting and being ready. Kaya dapat tayo rin ay naghahanda-celebrating a feast. Kahit ako minsan may pag-aangal din lalo na kung walang tulog. Pero mas mabuti na ata yung walang tulog kaysa walang gising. Walang araw sa ating buhay na bumangon tayo para sa sarili lang natin. Ito ay iniaalay natin sa ibang tao kahit na hinihila pa tayo ng kama 5-minutes before Invitatory Prayers o classes. Parang piging lang iyan, isang pag-aalay sa kapwa.
Today, we are commemorating the Queenship of Mary. She was the one who uttered the words, “Fiat mihi secundum verbum tuum (Be it done to me according to Your Word).” Si Maria ang pinakamagandang halimbawa ng taong naghanda. Kung inyong iisipin, bata pa noon si Maria. Malamang may pangarap siya na magkaroon ng sariling pamilya, saganang pamumuhay at makilala ng buong komunidad. A bright future was waiting for her! Ngunit inihanda niya ang kanyang sarili sa mas magandang bagay at iyon ay ang pagtanggap na maging ina ng Panginoon. Handa na siya hindi upang maging ina ni Kristo kundi sa pagtanggap sa anumang plano ng Diyos dahil malakas ang kanyang pananalig. Hindi kagaya ng taong dumalo sa Wedding Feast na hindi maayos ang kasuotan. Siya ay pinalayas dahil kahit imbitado siya ay parang hindi siya willing na magdiwang kasama ang mga tao. Kung sa panahon natin iyan nangyayari ay malamang sasabihin ng taong bihis-na-bihis na “UNFAIR NAMAN!” dahil naghanda siya pero siya pala yung hindi invited.
One passage was shared to us by our Math teacher when I was in 2nd year high school and it goes like this, “By failing to prepare, you are preparing to fail.” Kung ating iisipin ay may mga pagkakataon sa buhay nating hindi talaga natin mapaghahandaan dahil hindi inaasahan. Malamang si Maria rin ay nagulat na biglang pinadala ng Diyos si Anghel Gabriel upang ipahayag na siya’y malilihi’t manganganak ng isang lalaki na tatawagin niyang Hesus. The preparation which this passage would like to stress is the preparation of our character’s strength whenever we receive either a good or bad news. Pero may mga bagay naman na kayang-kaya talaga nating paghandaan lalung-lalo na school works, seminary activities at duties and responsibilities sa offices. Nakakalimutan lang po natin. Sometimes, we value the time so much that we forget to manage it. Or the other way around! We manage our time so much that we forget to value it. Chronos” is the time we manage, while “Kairos”, on the other hand, is the time we value. They should come together and that is a test to every one of us.
Every second we are living in this world, we are invited to celebrate like we celebrate in a Wedding Feast. Yung tipong ayaw na natin umalis dahil masaya tayong nakikita ang mga taong sumusoporta sa bagong kasal. Natural iyon! Honeymoon stage e. Kahit naman syempre sa pagpapari ay nararanasan iyan. Every day that we are invited to join this Wedding Feast of the Lamb, we are also called for renewal of ourselves--dying (renouncing things) to uplift others. One requisite for us is to be ready. Hindi naman ibig sabihin na handa tayo ay bawat bahid ng dumi sa ating pagkatao ay kailangang alisin, pero wala namang mawawala sa atin kung ating gagawin ang pagbabago ng taos-puso. If we change for the better, mga kapatid, you will see that people will love you more. We should willingly enjoy the Wedding Feast as if no one can stop us. That is the true essence of “handaan” or “piging”. Ang Handaan ay pinaghandaan. And people will appreciate something that has been prepared for them if it came from the heart.
Sa totoo lang, itong Gospel reflection kong ito ay isang linggo kong pinaghandaan. Ako’y nagnilay-nilay kung ano ba ang maganda kong maipapahayag sa inyo, mga kapatid. Kaya ang hiling ko lang ay sana na-appreciate ninyo ang aking paghahanda.
Ang akin na lamang paghahandaan ngayon ay kung paano ako babatikusin ng publiko sa sinulat kong ito.
God bless everyone! ENJOY LIFE!

No comments:

Post a Comment