Wednesday, June 4, 2014

Pangarap ng Mahirap

At walang sinuman sa kanila ang nangailangan sapagkat ipinagbili ng lahat na may mga tinatangkilik na mga lupa o mga bahay ang kanilang pag-aari. Kanilang dinala ang mga halaga ng mga bagay na ipinagbili.
–Gawa 4:34




Noong Ika-21 ng Pebrero ay napanood namin ang dalawa sa hindi mapantayang dokumentaryo ng i-Witness na “Boy Pusit” at “Iskwater”. Nababasa ko lamang sa mga pahayagan at ilang mga artikulo sa internet ang tungkol sa mga mangingisda. Wala akong kaalam-alam masyado sa kanilang buhay dahil sa Maynila ay iilan lang naman sila. Hindi gaya ng iskwater na bawat sulok ata ng Kamaynilaa’y sila ang matatanaw.



Habang pinapanood ang mga nasabing dokumentaryo ay halos maluha ako. Hindi ko alam kung may pinapahiwatig ba ang Panginoon na kinakailangan kong makita ang realidad ng buhay na mas maswerte ako sa iba ngunit marami pa rin akong reklamo. Ang mga batang naglalayag sa karagatan upang makahuli ng mga pusit na kanilang ibinibenta ay may mga matataas na pangarap tulad ko. Ang kaibahan nga lang naming ay mas madali kong maaabot ang akin. Paano ba naman kasi? Hindi na sila makapag-aral dahil kinakailangan nilang maghanap-buhay. Ang mga iskwater naman ay nakakaawa ding tignan. Hindi ko magawang makita ang sitwasyon ng isang pamilya na sasampung piso (P 10.00) lamang ang budget upang makakain ng hapunan. Habang ang lahat ay nagpapahinga sa kani-kanilang tahanan at nagsasaya na walang pasok tuwing bumabagyo, ang mga iskwater ay walang laban na magmamatyag na lamang ng mga rumaragasang tubig dahil wala silang masisilungan. Mahirap man sila ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanilang mga labi. Ngiting nagdadala ng pag-asa na may dahilang bumangon pa sila kinabukasan. Kung sana lang ay maging sensitibo ang bawat isa sa atin sa mga pangangailangan ng mga tao sa ating paligid.


Noong ako’y bata pa lamang ay lagi akong pinaaalalahanan ng aking ina na kung ako’y maging mayaman ay huwag na huwag kong kalilimutang tumulong sa mga mahihirap. Ginawa daw kaming kasangkapan o instrument ng Diyos na magkaroon ng salapi upang ipamahagi sa iba.


Gaya nga ng nakasaad sa Panalangin ng Panginoon (The Lord’s Prayer), “Bigyan Niyo po kami ng aming kakanin sa araw-araw…(Give us this day our daily bread)” Ang hinihingi lang natin ay ang pang-araw-araw at kung may lalabis man ay hindi dapat tayo maging sakim. Nagmula rin sa mahirap ng pamilya ang Diyos upang maipakita sa atin na tayo’y napupuno ng kayamanan. Kung lahat tayo ay matututo magbahagi ng kayamanan, kasiyahan, biyaya at pagmamahal, wala nang sakim sa mundo. At malamang ang Ama sa Langit ay nakangiting sasabihing, “Mahal ko kayong mga anak ko.”




Huwag sana natin kalimutan ang mga mahihirap na gaya nila. Ang bawat sakripisyo ay ialay nating dasal para sa mga taong nagbabanat din ng mga buto sa araw-araw at walang sinuman sa kanila ang mangangailangan pa.

Ang Natatanging "Siya"

“Ano nanaman iyan? Babae?” and sikat na linya ng mga seminarista tuwing makikita nilang nagmumuni-muni ang isa sa mga kapatid sa seminaryo na tila may gustong malutas na problema. Paano naman kasi, totoo ngang may inspirasyon ang mga tulad namin. Marunong din kaming humanga sa babae dahil natural iyon sa pagiging lalaki namin. Ngunit hindi naman lahat ng mga seminarista ay masasabing ang inspirasyon sa buhay ay si Eva.

Para sa akin, may natatanging “siya”. Malapit ako sa Diyos. Hindi kayo nagkakamali, si Kristo nga ang tinutukoy kong inspirasyon lalung-lalo na sa mga oras na nalulungkot ako at gusto ko nang bumigay. Nasasabi ko nga minsan sa Kanya, “Ano ba iyan? Ang hirap mong sundan. Salamat at mahal mo ako kaya ko nagagawa ang lahat ng mga gusto mong ipagawa sa akin.” Si Kristo bilang inspirasyon ko ay napapamalas sa mga taong nagmamahal sa akin tulad ng aking ina. Sa aking bokasyong pagpapari, isa sa mga sisisihin at ipagmamalaki ng ibang tao ay ang aking ina. Noong siya’y hayskul pa lamang ay gusto raw niyang pumasok ng seminaryo, kaso unang kahilingan pa lang ay hindi na niya nakamit dahil nga babae siya. Kung naging lalaki nga lang daw siya ay nagpatuloy siyang maging pari. Pero ito ang nakakatuwang pangyayari sa buhay niya. Lahat ng mga napuntahan niyang lugar ay hindi raw niya akalaing magiging tahanan ko sa hinaharap tulad ng Novice House sa Manaoag, Pangasinan, Sto. Domingo Convent at ang Unibersidad de Santo Tomas kung saan siya nag-kolehiyo. May “foreshadowing” sa mga oras na iyon sa kanyang buhay.

Sa buong buhay ko, kalinga ng ina ang tangi kong nasilayan. Napapansin ko na hindi na siya bibili ng magagarang damit upang maipasuot lamang sa amin ang mga mamahalin at kilala sa tatak na mga kasuotan. Ipagpapalit niya ang bagay na kinawiwilian niya kung makikita niyang mas magiging masaya kaming mga anak niya. Isa siya sa mga masasabi kong “superwomen” ng buhay ko. Daig pa nga niya si Darna hindi lang sa ganda kundi pati na rin sa kalakasan. Kaya nga niyang magsilbing parehong nanay at tatay. Kung may mga oportunidad lang na ganoon sa mga naghahanap-buhay ay malamang pasok na siya. Pangit nga lang ay may shifting iyon at iyon ang bagay na hindi magagawa ng aking ina. Nanay siya kahit saan siya mapunta, malapit man ang mga anak o malayo, pasaway man kami o hindi, at kahit gabi man o umaga.

Dumating ang oras na ako’y natuto ring manligaw. Hindi tatay ang nagturo sa akin, nanay ko. Mas maganda yung ganoon kasi mas alam niya kung paano makukuha ang kiliti ng babae. Nagtampo ang nanay ko. Ako ang may kasalanan. Para kasing binigyan ko ng panahon ang pag-ibig na iyon kaysa sa aking ina. Nakapag-regalo ako sa babae noong dumating ang Araw ng mga Puso tapos sa nanay ko hindi. Laking lungkot ko rin noon dahil nasaktan ko nanay ko. Mas naipakita ko pang espesyal yung babae. Napagtanto ko lang talaga kamakailan na ang tanging babaeng magmamahal sa akin ay ang aking ina. Kinakailangan kong makipaghiwalay noon sa aking iniirog dahil gusto kong mabigyang hustisya ang desisyon ko na pumasok sa pagpapari. Masakit yung mga araw na iyon. Sobrang sakit! Tanging nanay ko ang tumulong sa aking hilumin ang sugat na iyon. Hindi ako nagiging madrama. Mahirap kasi talaga yung desisyon lalo na kung inaasahan ng mga tao na mas nararapat kang maging abugado, sundalo o pulitiko. Tanging nanay ko ang kauna-kaunahang sumuporta sa akin na abutin ko ang aking mga pangarap. Tuwing ako’y nagkakamali, pinapapatawad niya ako. Gaya rin ng Inang Birhen noong nangumpisal si Pedro na tumanggi siyang kasama niya si Hesus. Mabait nga raw akong anak kahit na medyo masungit ako sa ibang tao. Magaling magpakalma ng init ng ulo ko ang aking ina tuwing kakwentuhan ko siya sa mga bagay na kinaiinisan ko. Hindi na ako nagdadalawang-isip kung kailangang umiyak sa harap niya o kaya sa linya ng telepono dahil handa siya laging makinig sa akin.

Kung ako ay magpatuloy sa pagpapari at naibigay ko ang huling Sakramento sa aking ina, ay tiyak isa sa mga pangarap ko ay nakamit. Gusto ko kasi kung mawawala na ang babaeng nagbigay inspirasyon sa akin ay sa tahimik at mapayapang lugar siya mapupunta kasama ang Diyos. Sa kasalukuyan kong edad na 18, marunong pa rin akong ma-“in love” pero wala pa ring tutulad kay Kristo, kay Mama Mary, San Jose at sa aking ina. Pumuti man lahat ng buhok ko, hinding-hindi kukupas ang alaala na mga taong nagmamahal at nagdarasal para sa akin.


Ecce Homo! (John 19:5)

The first inhabitants in the world were not human beings but unicellular organisms evolving to prokaryotes and eukaryotes. One thing that caught my attention when we went on a field trip in the Mind Museum in Global City, Taguig was the evolution of man which we watched in 3-D. but as I was saying, there were living being which appeared before man. They are gargantuan and miniscule reptiles. If you were thinking of the dinosaurs, then you have guessed it right. But why didn’t these creatures live the same time with the human beings?

The theory behind the beginning of the Solar System is the Big Bang theory-a massive explosion which divided atoms forming galaxies, stars and planets. When the earth was formed, it was just a single piece of land called Pangaea until the time when the movement of tectonic plates separated it into two, namely, Eurasia and Gwandanaland. There were animals which inhabited the sea and the land and flyers which dominated the air. But the most feared of all were the dinosaurs. They were on top of the food chain but they also devour one another including their offspring. It is because they have brains only the size of a walnut which is incapable of reasoning even if the time of famine comes.

65 million years ago, these dinosaurs came to extinction because of the meteor shower. They had nowhere to migrate into that would keep them alive. When they were gone, human beings appeared but they were just quite similar to apes. They are called Australopithecus afarensis. Their foreheads were wide because they were adapting to their nature of reasoning. Man evolved and was able to stand upright. He learned how to make tools for him to hunt for animals as food. A new set of men called Homo erectus appeared. Finally, man discovered a lot of things to survive in this material world. He hunted animals not only for food but also for their fur to be used as clothing. He discovered fire to be used in his everyday living. He started and developed his territories which later on would become civilizations. He is now a wise man-Homo sapien sapiens.

Man still evolves through time. He seeks answers for his inquiries. He gives himself pleasure when his mind is being fed with new information. He continues learning new things, changing these from primitive to modern doctrines. Though he is gifted with the intellect and the will, he still has a little knowledge of everything compared to the Omniscient Being which is God. God is so intelligent that He made dinosaurs disappear before us. He prepared the environment for us to fulfill His command “to have dominion over all.” Indeed, the beauty of creation which science could hardly explain.